^

PSN Palaro

Asian Boxing Championship: 3 Pinoy boxers pasok sa quarterfinals

Pilipino Star Ngayon

BANGKOK – Umabante si flyweight Ian Clark Bautista sa quarterfinals matapos dominahin si Trong Thai Bui ng Vietnam, 3-0 sa ASBC Asian Bo­xing Championships dito sa Thammasat University Gymnasium.

Ibinigay ng tatlong jud­ges mula sa Latvia, Kazakhstan at Korea ang laban sa 20-anyos na si Bautista, ang gold medalist sa nakaraang 2015 SEA Games sa Singapore.

Nakasama ni Bautista sa quarterfinals ang mga kababayang sina light flyweight Rogen Ladon at welterweight Eumir Felix Marcial na sumibak kina Rakhmankul Avatov ng Kyrgyzstan at No. 2 seed Israil Madrinov ng Uzbe­kistan, ayon sa pagkakasunod.

Ang nasabing mga panalo nina Bautista, Ladon at Marcial ang nagpalakas sa tsansa ng Pilipinas na makakuha ng tiket para sa AIBA World Cham­pionships sa Doha, Qatar sa Oct. 5-15 na tumata­yong qualifying tournament para sa 2016 Rio Olympic Games.

Nauna nang napatalsik sina bantamweight Mario Fernandez at lightweight Charly Suarez sa kanilang mga nakaharap na Kazakhstan fighters.

“The boys were unlucky to run into some top seeds early but we are keeping the faith,” sabi ni Association of Boxing Alliances in the Philippines president Ricky Vargas.

Nakatakdang labanan ni Ladon si second seed Murdjon Rasulov ng Taji­kistan, beterano ng 2014 Asian Games sa Incheon.

Sasagupain naman ni Marcial si local boy Saylom Ardee na dalawang beses natalo kay Suarez sa 60 kg ngunit ngayon ay kuma­kampanya sa 69 kg.

Makakatapat ni Bautista ang mananalo sa pagitan nina Elegedara Bulugaha ng Sri Lanka at Azat Usenaliev ng Kyrgyzstan. (AC)

ACIRC

ASIAN BO

ASIAN GAMES

ASSOCIATION OF BOXING ALLIANCES

AZAT USENALIEV

BAUTISTA

CHARLY SUAREZ

ELEGEDARA BULUGAHA

EUMIR FELIX MARCIAL

IAN CLARK BAUTISTA

ISRAIL MADRINOV

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with