^

PSN Palaro

La Salle, EAC umiskor

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tinapos  ng  Emilio Agui­naldo College Gene­rals ang dalawang dikit na pagkatalo habang kinapitan pa ng La Salle Archers ang ikatlong puwesto nang nagsipanalo sa Spikers’ Turf Collegiate Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Matapos magtala ng 35 at 41 puntos sa natalong laro laban sa St. Benilde Blazers at Ateneo Eagles  ay nagkaroon lamang ng 18 puntos si Howard Mojica mula sa 13 kills, 4 aces at 1 block.

Ngunit naroroon ngayon ang suporta ng mga kakampi at nalimitahan ng koponan sa 16 ang kanilang errors tungo sa 25-17, 25-23, 25-16 straight sets panalo laban sa UP Maroons.

Naghati sa 12 puntos sina Keith Melliza at Hariel Doguna habang ang liberong si Juviemark Mangaring ay may siyam na digs at limang excellent receptions para maitabla ng NCAA champion EAC ang karta sa 3-3.

Kailangan pa nilang manalo sa La Salle sa pagtatapos ng elimination round sa Setyembre 2 para magkaroon ng playoff sa huling upuan sa Final Four sa ligang inorganisa ng Sports Vision at handog ng PLDT Home Ultera.

Sina John Arjay Onia, Raymark Woo at Mike Anthony Frey ay gumawa ng 15, 14 at 11 puntos para sa Archers na nakitaan ng solidong laro sa magkabilang dulo ng court para sa 25-20, 27-25, 25-11 panalo sa FEU sa ikalawang laro.

Ito ang ikatlong panalo sa limang laro ng La Salle para makabawi rin sa masakit na five-set pagkatalo sa NCBA sa larong kanilang dinomina ang unang dalawang sets.

ACIRC

ANG

ATENEO EAGLES

COLLEGE GENE

EMILIO AGUI

FINAL FOUR

HARIEL DOGUNA

HOME ULTERA

HOWARD MOJICA

JUVIEMARK MANGARING

LA SALLE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
10 hours ago
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with