^

PSN Palaro

CEU sisimulan ang depensa sa titulo vs PWU

Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon (Rizal Memorial Coliseum)

10 a.m.  opening ceremony

11:30 a.m.  LSCA  vs DLSZ (Jrs)

1 p.m.  SPCP vs SPPC (Midgets)

2:30 p.m.  PWU vs CEU (Seniors)

 

MANILA, Philippines - Bubuksan ngayon ng Centro Escolar University ang pakay na ikalimang sunod na kampeonato sa basketball sa pagharap sa host Philippine Women’s University sa pagbubukas ng 46th WNCAA sa Rizal Memorial Coliseum.

Pormal na itataas ang telon ng liga sa ganap na alas-10 ng umaga at inimbitahan bilang panauhing pandangal ay si Ada Milby na kasapi ng Lady Volcanoes na nanalo ng bronze medal sa women’s rugby sa Singapore SEA Games.

Ang nagdedepensang kampeon sa juniors na La Salle College Antipolo ay haharap sa De La Salle Zobel sa alas-10 ng umaga bago sundan ng aksyon sa midgets sa hanay ng St. Paul College Pasig (SPCP) at Saint Pedro Poveda College (SPPC).

Dakong 2:30 ng hapon ang aksyon sa seniors at ang Lady Scorpions ay inaasahang mapapalaban sa PWU Patriots na nais na pagningningin ang hos­ting sa pagsungkit ng mga kampeonato sa walong sports na paglalabanan sa seniors division.

Kasabay na bubuk­san ngayon ay ang ak­syon sa volleyball sa St. Scholasti­ca’s College gym.

ACIRC

ADA MILBY

ANG

CENTRO ESCOLAR UNIVERSITY

DE LA SALLE ZOBEL

LA SALLE COLLEGE ANTIPOLO

LADY SCORPIONS

LADY VOLCANOES

LARO NGAYON

PHILIPPINE WOMEN

RIZAL MEMORIAL COLISEUM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with