PSL Beach Volley Challenge Cup Gilligan’s, Foton agawan sa titulo
Laro Ngayon
(Sands By The Bay)
10 a.m. Amy’s vs Philips Gold (W, 7th)
11 a.m. Meralco vs Petron XCS (W, 5th)
1 p.m. Centerstage vs Cignal HD Spikers A (M, 3rd)
2:30 p.m. Cignal HD Spikers B vs Foton Hurricane (W, 3rd)
3:30 p.m. Gilligan’s vs Foton Tornadoes (W, Finals)
5:30 p.m. SM By the Bay
vs Champion Infinity B
(M, Finals)
MANILA, Philippines - Dalawang beses tinalo ni Fiola Ceballos si Danica Gendrauli sa beach volleyball tournament noong 2012 at 2013 sa Boracay.
Ngunit ayon kay Ceballos, mas matinding laro ang ipapakita ni Gendrauli sa kanilang pangatlong pagtatapat.
“Ang laki ng improvement niya. Kung hindi ka man niya talunin sa lakas ng palo, tatalunin ka naman niya sa utak at sa diskarte,” ani Ceballos, isang Tourism senior sa Central Philippine University na nakipagtambal kay Jovelyn Gonzaga sa panalo kina Gendrauli at Raphril Aguilar noong 2013.
Nakatakdang paglabanan nina Ceballos at Patty Orendain ng Foton Tornadoes at nina Gendrauli at Norie Diaz ng Gilligan’s ang titulo sa women’s division ng PLDT Home Ultera Philippine Superliga Beach Volleyball Challenge Cup 2015 na inihahandog ng Smart Live More sa Sands By the Bay sa SM Mall of Asia.
Magbabanggaan ang Foton Tornadoes at ang Gilligan’s ngayong alas-3:30 ng hapon sa torrneong inorganisa ng Sports Core katuwang ang Accel, Sands By the Bay, Senoh at Maynilad.
Sa alas-5:30 ng hapon ay lalabanan nina Jade Becaldo at Hachaliah Gilbuena ng SM By the Bay A sina Tippy Tipgos at Marjun Alingasa ng Champion Infinity B para sa korona ng men’s division.
Sa unang laro sa alas-10 ng umaga ay pag-aagawan ng Amy’s at Philips Gold ang seventh place, kasunod ang laro ng Meralco at Petron XCS sa alas-11 para sa 5th place sa women’s division.
Maglalaban ang Centerstage at ang Cignal HD Spikers A sa ala-1 ng hapon para sa third place sa men’s division at paglalabanan ng Cignal HD Spikers B at Foton Hurricane ang third place sa women’s division sa alas-2:30.
- Latest