^

PSN Palaro

Guarte at Agura nagdomina sa Milo Calapan leg

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dinomina nina SEA Games silver medalist at Philippine National Team member Mervin Guarte at Milo APEX Running Clinic coach Janette Agura ang ka­nilang mga dibisyon sa 21-kilometer event sa 39th National Milo Marathon qua­lifying leg sa Calapan ka­hapon.

Nagsumite si Guarte ng bilis na 01:12:12 para talunin sina Jujet De Asis (01:14:56) at Roel Galvero (01:15:34) sa men’s ca­tegory.

Nagreyna naman si Agu­ra sa women’s class nang maglista ng tiyempong 01:38:33 para una­han sina Jenny Manansa­la (02:03:17) at Herrera Mer­cy (02:15:47).

Dahil sa kanilang mga pa­nalo ay tumiyak ang 23-anyos na si Guarte at  ang 37-anyos na si Agura ng tiket para sa Milo Natio­nal Finals sa Disyembrte 6 sa Angeles, Pampanga kung saan kikilalanin ang Mi­lo Marathon King at Queen.

Ang magiging Milo National Marathon King at Queen ay may tsansang ma­kalahok sa 2016 Boston Marathon.

It ang unang pagkaka­taon na tumakbo si Guarte sa 21K category matapos sumabak sa 5K at 10K events.

Pumuwesto naman sa Top 10 si Agura ng Lipa City, Batangas noong 2013 Milo Marathon National Finals.

Bukod sa kanyang personal training ay tumatayo ring coach si Agura sa De La Salle-Lipa.

Sina Guarte at Agura ay kapwa nagbulsa ng premyong P50,000.

Dadalhin ang mga qua­li­fying legs ng Milo sa Lipa (Agosto 9), Naga (Agosto 16), Lucena (Agosto 30), Iloilo (Setyembre 20), Ba­co­lod (Setyembre 27), Tag­bilaran (Oktubre 4), Cebu (Oktubre 11), Gene­ral Santos (Oktubre 18), Da­vao (Nobyembre 8), Bu­tuan (Nobyembre 15) at sa Cagayan De Oro (Nob­yembre 22).

vuukle comment

ACIRC

AGOSTO

ANG

BOSTON MARATHON

CAGAYAN DE ORO

DE LA SALLE-LIPA

GUARTE

HERRERA MER

JANETTE AGURA

OKTUBRE

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with