PSL tankers lalangoy sa Singapore swimfest
MANILA, Philippines – Magpapadala ang Philippine Swimming League (PSL) ng 67 manlalangoy para kumampanya sa 2015 Singapore Invitational Swimming Championships mula Agosto 1 hanggang 4 sa Singapore Island Country Club (SICC).
Nangunguna sa mga manlalangoy ay sina Sean Terence Zamora, Kyla Soguilon, Marc Bryan Dula, Micaela Jasmine Mojdeh, Stephen Guzman, Paul Christian Cusing, Martin Jacob Pupos, Charize Esmero, Aalia Jaire Espejo at Aubrey Tom sa hangaring mapalawig ang pagiging overall champion ng Pilipinas sa kompetisyon sa ikatlong sunod na taon.
“We are happy to send 67 swimmers and the team will be composed of veteran international swimmers and swimmers that would like to experience and be expose to international competition,” wika ni PSL president Susan Papa.
Ang iba pang miyembro ng delegasyon ay sina Stephen Abalos, Carl Adones, Danica Alba, Isis Arnaldo, Hannah Ataza, Jayani Balutan, Meynard Bautista, Nicollete Belgica, Janelle Blanch Isabella Buniel, Lee Cabral, Tricia Capistrano, Sophia Castillo, Joanna Cervas, Riandrea Chico, Maxine Dalmacio, Gianna Data Joey Del Rosario, Jine Deligero, Sophia Estrada, Marcus Faytaren, Samantha Lachica at Mark Marajucom.
Kasama rin sina John Andre Mendoza, Gian Nuñez, Jason Ong, Jenny Ong, Karl Pastoril, Edward Princillo, Philip Princillo, Hans Reyes, Alecsandra Rivera, Edgar Roberto, John Salibio, Vincent Samaniego, Santien Santos, Judi Segotier, Albert Sermonia, Jewel Sermonia, Jay Tecson, Ed Tolentino, Jake Torrelino, Christine Townend, Luis Ventura at Shyne Villagomeza.
Ang SICC ay isang club na pinagmulan ng ilang magagaling na swimmers ng Singapore.
Isa na rito ay si Joseph Schooling na nanalo ng siyam na ginto sa idinaos na SEA Games noong Hunyo.
Ang delegasyon ay aalis ngayong umaga at bukod kay Papa ay kasama rin sina PSL secretary-general Maria Susan Benasa at mga coaches Alex Papa at Marlon Dula.
- Latest