Blazers naghari sa Northwest
LOS ANGELES -- Kumana ng career-high na 27 puntos si C.J. McCollum, habang si Damian Lillard ay may 20 para tulungan ang Portland Trail Blazers sa 107-77 pangingibabaw kontra sa L.A. Lakers.
May 17 puntos si Arron Afflalo para sa Blazers na nakatikim muli ng division title sa NBA nang angkinin ang Northwest Division.
Noon pang 2009 huling nagkamit ng division title ang Portland at nangyari ito nang matalo ang Oklahoma City sa Memphis sa kanilang laro.
Ito ang ika-49 panalo ng Portland matapos ang 75 laro at winalis din nila ang kanilang head-to-head ng Lakers na nangyari din sa unang pagkakataon matapos ang 21 taon.
- Latest




















