Mayweather na-KO sa sparring
MANILA, Philippines – Sa unang pagkakataon ay bumagsak si undefeated American boxer Floyd Mayweather Jr. sa kanilang sparring session ni dating world champion Zab Judah.
Ayon sa ulat ng allsports.com.gh sinabi ng isang hindi pinangalanang source na bumagsak si Mayweather nang matamaan sa bodega ni Judah.
Dagdag niya na lagpas 10 segundo bago nakatayong muli si Mayweather.
"Zab hit Mayweather with a good shot, a left hook to the body, and he went down," wika ng source na hiniling na huwag ilagay ang kanyang pangalan.
“To my knowledge Money has never gone down ever. Not in sparring, or in the ring.”
Kinuha ng kampo ni Mayweather si Judah bilang sparringmate dahil isa siyang southpaw boxer katulad ni Manny Pacquiao, ngunit malayo ang bilis ng Filipino boxing icon.
Sinabi pa ng source na nakatayo naman si Mayweather at binugbog si Judah bago matapos ang kanilang session.
"It's not unusual for a boxer to get hit hard in training and go down. And Floyd responded well. When he got up, he finished the session,” kuwento niya.
"And he beat Zab to a bloody pulp. However, he was down for more than a 10 count so technically he was knocked out."
- Latest