^

PSN Palaro

Shakey’s V-League 12th Season mas pinalaki

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Makikilala ang Sha-key’s V-League Open Conference bilang isang liga na katatampukan ng pinakamahuhusay na manlalaro sa kababaihan sa bansa.

Ang conference na ito ang siyang magbubukas sa 12th season ng ligang inorganisa ng Sports Vision at katuwang ng Shakey’s, katatampukan ito hindi lamang ng mga beteranang manlalaro na tiningala na kundi pati ang mga hina­ngaan sa collegiate league.

“The 12th season will be bigger and better,” wika ni Mauricio “Moying” Martelino, chairman ng Sports Vision na dumalo sa PSA Forum sa Shakey’s Malate.

“We will have eight teams competing and practically all the stars in women’s volleyball are seeing action this confe­rence,” dagdag ni Martelino na sinamahan sa Forum ni Sports Vision president Ricky Palou.

Ang UAAP MVP  na si Alyssa Valdez ang siyang ma­ngunguna sa mga bagong mukha at tiyak na hahatak siya ng atensyon sa  mga manonood.

Si Valdez ay maglalaro sa PLDT at makakasama niya ang kakampi sa Ate­neo at Best Libero ng UAAP na si Dindin Lazaro. Bukod pa ito kina NCAA MVP Gretchel Soltones, Amanda Villanueva at ang 6’4 spiker na si Jaja Sa­ntiago.

Ang Army na dadal­hin pa rin nina Dindin Santiago-Manabat, Tina Salak, Jovelyn Gonzaga at Rachel Ann Daquis, ang magtatangka na ma­panatili ang kampeonato sa liga habang ang iba pang hahamon ay ang Meralco, Fourbees, Philippine Coast Guard, Navy at Baguio.

Makadaragdag-kulay sa season-opening confe­rence ng liga ay ang pagbubukas ng Spikers’ Turf na katatampukan ng men’s volleyball players. Sa Abril 5 magsisimula ang liga. (AT)

vuukle comment

ALYSSA VALDEZ

AMANDA VILLANUEVA

ANG ARMY

BEST LIBERO

DINDIN LAZARO

DINDIN SANTIAGO-MANABAT

GRETCHEL SOLTONES

SHY

SPORTS VISION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with