^

PSN Palaro

Celtics pinutol ang ratsada ng Pacers

Pilipino Star Ngayon

INDIANAPOLIS – Umiskor si Tyler Zeller ng 18 points, habang tatlo pang Celtics ang nagdag­dag ng 16 markers para igiya ang Boston  sa 93-89 panalo laban sa  Pacers.

Tinapos ng Celtics ang seven-game winning streak ng Pacers. Ito ang kanilang pang-apat na sunod na panalo at tumabla sa ninth place sa Eastern Conference at isang laro ang agwat sa Charlotte para sa huling playoff spot.

Ang Indiana ay pang-pito.

Tumipa si George Hill ng season-high 30 points para sa Pacers.

Nagpakawala ang Boston ng 17-4 bomba sa dulo ng first quarter para kunin ang 32-20 abante laban sa Indiana.

Nakadikit ang Pacers sa 89-91 agwat mula sa three-point shot ni Rodney Stuckey sa huling 5.8 segundo.

Ngunit nagsalpak si Brandon Bass ng dalawang free throws para selyuhan ang panalo ng Celtics.

Tumipa si Court­ney Lee  ng 17 points, habang may tig-15 sina Jeff Green at Zach Randolph para tulungan ang Memphis Grizzlies sa 96-83 panalo sa Milwaukee Bucks.

Nagdagdag si Beno Udrih, pumalit sa may injury na si Mike Conley, ng 14 points para wakasan ng Memphis ang two-game losing streak.

Pinamunuan ni Giannis Antetokounmpo ang Bucks sa kanyang 19 points kasunod ang 17 ni Khris Middleton, 14 ni Zaza Pachulia at 12 ni Ersan Ilyasova.

Kumamada si Stephen Curry ng 25 points at 11 assists para ipagdiwang ang kanyang ika-27 kaarawan at igiya ang Golden State Warriors sa 125-94 panalo sa New York Knicks.

ANG INDIANA

BENO UDRIH

BRANDON BASS

EASTERN CONFERENCE

ERSAN ILYASOVA

GEORGE HILL

GIANNIS ANTETOKOUNMPO

GOLDEN STATE WARRIORS

PARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with