Torre, Barbosa may pag-asa pa
MANILA, Philippines – Pinatumba nina Grandmasters Eugene Torre at Oliver Barbosa ang kani-kanilang kalaban para makisosyo sa ikatlong puwesto sa eighth round ng Asian Zonals 3.3 Championship sa Ho Chi Minh, Vietnam kahapon.
Tinalo ng 65-anyos na si Torre si FIDE Master Le Tuan Minh sa marathon 95-move ng Bogo-Indian Defense.
Giniba naman ni Barbosa ang kababayang si GM Richard Bitoon sa 77 moves ng Trompovsky Opening para makisama sa four-way tie sa No. 3 sa magkakatulad na 5.5 points.
Ang mahalaga dito, nanatili sa kontensyon sina Torre at Barbosa para sa huling dalawang tiket sa World Cup na nakatakda sa Setyembre 10 hanggang Oktubre 4 sa Baku, Azerbaijan.
- Latest