^

PSN Palaro

Isiderio naisuko na ang titulo

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nadiskaril  ang hangarin ni Ryan Isiderio ng Boracay na maidepensa ang titulo sa formula races sa bancathon sa 2015 Manila Bay Summer Seasports Festival nang minalas ito sa unang karera kahapon sa Baywalk sa Roxas Boulevard.

Angat na ang banca na pinangalanang Islander sa  katunggali na Malou na dala nI Ronald Pajullo ngunit big­lang namatay ang makina nito sa kalagitnaan ng karera.

Noong 2014, ipinarada ni Isiderio ang banca na pi­nangalanan na Matador at ito ang nanuwag tungo sa titulo sa nasabing kategorya.

May 32 banca ang sumali sa palarong inorganisa ng Manila Broadcasting Company at Siyudad ng Manila at sumalang sa single-round elimination, hindi rin pinalad ang Malou sa sumunod na karera dahil tinalo siya ng Habagat sa pagmaniobra ni Stephen Repaso ng Hagonoy, Bulacan.

Lumalabas na ang Habagat ay palaban sa titulo dahil ang kanyang 4:29 tiyempo sa ikalawang karera ay mas matulin sa nailistang 5:09 nang tinalo ang Ken sa unang round.

Ang oras ng Habagat ang pinakamatulin sa second round at natapatan ito ng Speed Cross na sakay ni Gil­bert Estacio ng Agoo, La Union makaraang pinagpa­hinga ang Adidas ni Jose Serano ng Batangas.

Ang iba pang palaban sa titulo ay ang Unica Hijo ni Val Sta. Ana, Terminator ni Ricky Burgos, Best Friend ni Romy Torilla, Alcoholic ni Bill Cabello, Lourd Cedric II ni Jovan Abong at Hydrolift ni Marlon Morada.

BEST FRIEND

BILL CABELLO

HABAGAT

JOSE SERANO

JOVAN ABONG

LA UNION

LOURD CEDRIC

MALOU

MANILA BAY SUMMER SEASPORTS FESTIVAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with