^

PSN Palaro

Unso, Obiena may patutunayan sa Phl Open

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dalawang bata pero mahuhusay na atleta ng PATAFA ang magnanais na magkaroon ng magandang ipakikita sa 2015 Philippine National Open Invitational Athletics Championships para mapatingkad ang preparasyon sa SEA Games sa Singapore sa Hunyo.

Parehong determinado sina 19-anyos national record holder sa pole vault EJ  Obiena at 22-anyos hurdles specialist Patrick Unso na tapatan kundi man ay higitan ang pinakamagandang marka sa kanilang mga events sa trackfest na gagawin mula Marso 19 hanggang 22 sa San Luis Sports Complex sa Sta. Cruz, Laguna.

Sa kabilang banda, ang dating record holder sa 110m hurdles na si Unso ay magnanais na opisyal na makapasok sa delegasyon patungong Singapore sa pag-abot sa qualifying time na 14.14 segundo.

May best time si Unso na 14.21 segundo at kum­binsido na maaabot ang target sa kompetisyon.

Patitingkarin ang aksyon ng paglahok ng bisitang bansa tulad ng China, Chinese Taipei, South Korea, Hong Kong, Brunei, Thailand, Malaysia, Vietnam, Singapore, Indonesia at Myanmar.

Ang mga pambato sa mga collegiate leagues tulad ng UAAP at NCAA ay sasali rin sa torneo.

BRUNEI

CHINESE TAIPEI

CRUZ

HONG KONG

PATRICK UNSO

PHILIPPINE NATIONAL OPEN INVITATIONAL ATHLETICS CHAMPIONSHIPS

SAN LUIS SPORTS COMPLEX

SOUTH KOREA

UNSO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with