Pacman kayang patulugin si Floyd--Roach
MANILA, Philippines - Nagkakamali si Floyd Mayweather Jr. kung akala niya ay kaya niyang tapatan ang bilis at lakas ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao.
Ito ang sinabi ni trainer Freedie Roach na naniniwalang kayang manalo ng People’s champion na si Pacquiao sa pamamagitan ng knockout.
“I think Manny beats Floyd, breaks him down, and knocks him out before it’s over,” wika ni Roach sa Ringtv.com.
Masusing pinag-aaralan na ni Roach ang mga huling mga laban ni Mayweather at napansin niya na medyo bumagal na ito.
Aminado siyang bumagal na rin ng kaunti si Pacquiao dahil nagkaedad na rin siya pero mas mabilis pa siya at mas malakas sa walang talong pound-for-pound king.
“I think Manny’s legs are fresher that Floyds. When Floyd sits down and rest, Manny will catch him,” dagdag ni Roach.
Pupunta si Pacquiao sa Wild Card Gym sa US sa Marso 8 para simulan ang masinsinang pagsasanay.
Isa sa diskarteng gagawin nila ay kung paano ipitin sa lubid si Mayweather para maisakatuparan ang knockout win.
“If Manny catches him on the ropes…Floyd can look at Manny, think he has pretty fast hands, punches pretty hard. But you don’t really feel it until you’re in there with him (Pacquiao). He has devastating power, and he jumps in so suddenly. He still has the power and speed to get a KO,” ginagarantiya pa ng batikang trainer.
Walang rematch ang mega fight na ito na gagawin sa welterweight division kaya’t tunay na maipagmamalaki ng mananalo na siya ang mas magaling sa tinalong katunggali. (ATan)
- Latest