^

PSN Palaro

Lapaza handa nang idepensa ang titulo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakatakdang idepensa ni Reimon Lapaza ng Butuan City ang kanyang koronang napanalunan noong nakaraang taon sa pagpapakawala sa Ronda Pilipinas 2015 na  inihahandog ng LBC sa Linggo sa Paseo Greenfield City sa Sta. Rosa, Laguna.

Sinabi ng 29-anyos na si Lapaza na pinaghandaan niya ang event matapos mapasama sa top five sa three-stage Visayas qualifier sa Dumaguete, Sipalay at Bacolod City noong nakalipas na taon.

“Naghahanda na ako last year pa at gusto kong maidepensa ang korona ko,” wika ni Lapaza.

Idinagdag ni Lapaza na si Mark Galedo, ang tinalo niya via come-from-behind victory noong 2014, pati na ang mga miyembro ng national team at Army, 7-Eleven at ang Navy-Standard Insurance riders ang inaasahang pipigil sa kanyang layuning maging two-time winner ng annual race na ikinukunsiderang pinakamalaki at pinakamayan sa Asia.

Bukod kay Galedo, binanggit din ni Lapaza ang pangalan nina 2012 Ronda champion Irish Valen­zuela, 2011 inaugural winner Santy Barnachea at 2014 Luzon qualifier titlist Ronald Oranza na hahamon sa kanyang titulo.

Makakasama ni Lapaza sina Galedo, Barnachea Valenzuela, ang national team, ang composite European squad at halos 70-plus riders na nakapasama mula sa mga qualifiers sa Luzon at Visayas.

Kasama rito si Boots Ryan Cayubit ng 7-Ele­ven na nagkampeon sa Visayas leg at si Ronald Oranza na naghari sa Luzon phase.

 

BACOLOD CITY

BARNACHEA VALENZUELA

BOOTS RYAN CAYUBIT

BUTUAN CITY

GALEDO

LAPAZA

LUZON

RONALD ORANZA

VISAYAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with