^

PSN Palaro

8 slot na lang ang paglalabanan sa Seaoil-NBTC Nat’l HS Finals

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Walong puwesto na lamang ang pag-aagawan para makumpleto ang mga paaralang maglalaro sa 2015 Seaoil-NBTC National High School Championships mula Marso 6 hanggang 8 sa Meralco gym.

Nasa 18 koponan na hinati sa 14 provincial teams at apat sa NCR ang maglalaban-laban para madetermina kung sino ang pinakamahusay na high school team sa bansa sa ligang isinasagawa kasama ang MVP Sports Foundation at  idineklara ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) bilang kanilang opisyal na grassroots development program.

“We are truly excited with the forthcoming national finals where we again hope to witness the future of Philippine basketball as they showcase their young talent and skills,” wika ni NBTC program director Eric Altamirano

Ang mga koponan mula sa probinsya na pasok na ay ang Assumption College ng Davao, Southern City College ng Zamboanga, St. John Institute ng Bacolod, St. Roberts International School ng Iloilo, Sacred Heart School-Ateneo de Cebu at Sacred Heart of Jesus Montessori ng Cagayan de Oro.

Ang mga NCR teams na may upuan na ay ang MMBL champion Chiang Kai Shek College, San Beda Red Cubs at San Beda Team B.

Kukumpletuhin ng mananalo sa pagitan ng NU Bullpups at  Ateneo Eaglets sa UAAP Finals ang mga maglalaro sa NCR.

 

ASSUMPTION COLLEGE

ATENEO EAGLETS

CHIANG KAI SHEK COLLEGE

ERIC ALTAMIRANO

NATIONAL HIGH SCHOOL CHAMPIONSHIPS

SACRED HEART OF JESUS MONTESSORI

SACRED HEART SCHOOL-ATENEO

SAMAHANG BASKETBOL

SAN BEDA RED CUBS

SAN BEDA TEAM B

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with