^

PSN Palaro

World 10-ball championships: Gabica, 5 pang Pinoy pasok sa Last 64

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipinakita ni Doha Asian Games gold medalist Antonio Gabica ang kanyang mabangis na porma para umabante sa Last 64 sa isinasagawang World 10-Ball Championships sa SM City sa General Santos City.

Unang tinalo ng 41-an­yos na si Gabica si eight seed Liu Haitai ng China, 9-3 noong Martes bago isinunod si Karol Skowerski ng Poland, 9-8 kahapon para umabante mula sa winner’s bracket sa Group 4.

Seeded 121st sa 128-man roster si Gabica pero mas nais ito ng Pinoy cue artist na nagtatrabaho sa Qatar bilang isang billiards coach para hindi masyadong mapansin sa kompe­tisyon.

Noong 2013 ay muntik nang maging World cham­pion si Gabica nang puma­sok siya sa finals sa World 9-Ball na ginawa sa Qatar.  Pero minalas siya at natalo kay Thorsten Hohmann ng Germany.

Ang iba pang pambato ng bansa  na umabante ay sina Lee Van Corteza, Anton Raga, Raymund Faraon, Francisco Bustamante at Jerico Bonus.

Ang 25th seed na si Corteza ay nanalo sa isa pang Filipino player na si John Rebong, 9-5 para sa kanyang ikalawang sunod na tagumpay.

Si Bustamante ay na­naig kay Ivica Putnik ng Croa­tia, 9-3  habang si Bonus ay nangibabaw kay Marco Teutscher ng Ne­therlands, 9-7 para manati­ling palaban sa titulo.

Ang top seed na si Chang Yu Lung ay umabante rin nang talunin si Petri Makkonen, 9-6.

ANTON RAGA

ANTONIO GABICA

BALL CHAMPIONSHIPS

CHANG YU LUNG

DOHA ASIAN GAMES

FRANCISCO BUSTAMANTE

GABICA

GENERAL SANTOS CITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with