^

PSN Palaro

Balikatan ang paghahabol sa puwesto sa Final 4

ATan - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(The Arena,

San Juan City)

8 a.m.  Ateneo

vs FEU (M)

10 a.m.  La Salle

vs UST (M)

2 p.m.  UST vs UP (W)

4 p.m.  FEU vs NU (W)

 

MANILA, Philippines - Iigting ang paghahabol sa huling dalawang upuan na aabante sa susunod na yugto sa pagkikita ng apat na koponang palaban sa puwesto sa pagpapatuloy ngayon ng 77th UAAP women’s volleyball sa The Arena sa San Juan City.

Kakapitan pa ng Natio­nal University ang mahalagang ikatlong puwesto sa pagsukat sa FEU sa tampok na laro na magsisimula matapos ang pagkikita ng UP at UST sa ganap na alas-2 ng hapon.

Kasalo ng NU ang  pa­hi­­ngang Adamson Lady Falcons sa ikatlo at apat na puwesto sa magkatulad na 5-6 baraha habang kapos ng kalahating laro ang UST na nagsosolo sa ikalimang puwesto sa 5’7 karta.

May 4-7 win-loss records ang UP at FEU at parehong matibay pa ang paghahabol ng upuan sa Final Four dahil hindi malayo ang kanilang agwat sa mga nasa unahan.

Tinapos ng NU ang tatlong sunod na kabiguan na sumalubong sa koponan sa second round sa pamamagitan ng straight sets panalo sa host UE Lady Warriors para magkaroon ng momentum sa larong ito.

“Sa nakikita ko, nakakapag-adjust na sila. I hope we can start winning games because our target is to get eight wins,” wika ni NU coach Roger Gorayeb.

Si Jaja Santiago ang mangunguna sa NU na balak ipatikim sa Lady Ta­maraws ang kanilang ikatlong sunod na pagkatalo matapos ang magkasunod na straight sets pagyuko sa UST at Ateneo.

Huling laro ng FEU ay noong Pebrero 4 at ang pahinga ay inaasahang makakatulong para manumbalik ang enerhiya at focus sa laro at maulit ang straight sets panalo na nailista sa NU sa unang pagtutuos.

Balikatan din ang laba­nan sa pagitan ng UST at UP dahil pareho silang nagbabalak na tapusin ang mga losing streak.

Tatlong sunod na talo ang panggagalingan ng UP habang back-to-back na kabiguan matapos maglista ng apat na dikit na panalo ang nangyari sa UST.

Masasabing nasa must-win ang Lady Maroons dahil hanggang anim na panalo na lamang ang kanilang maaabot kung yumuko uli sa larong ito.

Nanalo ang Lady Maroons sa Tigresses sa unang pagkikita pero kailangang magdoble-kayod ang koponan dahil unti-unti nilang nararamdaman ang di pag­lalaro ng isang kamador na si Kathy Bersola na minalas na nagwakas ang season sa isang ACL injury.

vuukle comment

ADAMSON LADY FALCONS

ATENEO

FINAL FOUR

KATHY BERSOLA

LA SALLE

LADY MAROONS

LADY TA

LADY WARRIORS

SAN JUAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with