^

PSN Palaro

Nietes, San Mig babandera sa major awardees

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ang pinakamatagal na world Filipino boxing champion at ang unang Grand Slam team sa Phi­lippine Basketball Association (PBA) sa nakaraang 18 taon ang nangunguna sa listahan ng mga major awardees na kikilalanin sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Annual Awards Night, inihahandog ng MILO at San Miguel Corporation.

Si World Boxing Orga­nization (WBO) light-flyweight title holder Donnie Nietes at ang San Mig Coffee team na kumumpleto sa three-conference sweep sa  PBA sa nakaraang season ang pararangalan sa Pebrero 16 sa 1Esplanade Mall ng Asia Complex ng pinakamatandang media organization.

Kamakailan ay nalampasan ni Nietes ang seven-year reign ni boxing great Gabriel ‘Flash’ Elorde bilang pinakamatagal na Filipino world champion matapos ang matagumpay na pagdedepensa ng kanyang korona laban kay Carlos Velarde noong Nobyembre.

Ginabayan ni coach Tim Cone, hinirang naman ang Mixers bilang unang PBA team matapos ang Alaska noong 1996 na ku­muha ng Grand Slam matapos walisin ang naka­raang season.

Ang iba pang bibigyan ng major award sa gala night kung saan tuma­tayo ang MVP Sports Foundation, Meralco at Smart bilang mga principal sponsors at ang Philippine Sports Commission (PSC) bilang major sponsor ay sina Youth Olympic Games gold medalist Gabriel Luis Moreno, Olympic figure skater Michael Christian Martinez, five-time NCAA men’s champion San Beda Red Lions, PBA Most Valua­ble Player June Mar Fajardo at si  UAAP counterpart Kiefer Ravena.

ANNUAL AWARDS NIGHT

ASIA COMPLEX

BASKETBALL ASSOCIATION

CARLOS VELARDE

DONNIE NIETES

GABRIEL LUIS MORENO

GRAND SLAM

KIEFER RAVENA

MICHAEL CHRISTIAN MARTINEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with