Anthony may pinatunayan sa panalo ng Knicks
NEW YORK – Naririnig ni Carmelo Anthony ang mga boses na nagsasabing matanda na siya at hindi na niya kayang tumalon katulad ng kanyang kabataan.
Ang ilan dito ay galing sa kanilang mismong locker room.
Sinagot ito ni Anthony sa kanyang sariling paraan matapos humugot ng 18 sa kanyang 31 points sa third quarter para ihatid ang Knicks sa 94-80 panalo laban sa Los Angeles Lakers.
Tumingin siya sa kanilang bench sa second quarter matapos ang isang slam dunk galing sa lob pass ni Jason Smith.
Sa pag-upo ni Kobe Bryant sa buong season bunga ng injury ay naglaro ang dalawang koponang may pinakamasamang record sa NBA.
Tinulungan ni Anthony ang Knicks na makalayo sa third quarter mula sa kanyang mga jumpers.
Humakot naman si Carlos Boozer ng 19 points at 10 rebounds sa panig ng Lakers, natalo sa pang-10 sa kanilang huling 11 laro.
Sa Boston, kumolekta si center Hassan Whiteside ng 20 points para ibigay sa Miami Heat ang 83-75 panalo kontra sa Celtics.
Nagtala si Whiteside ng 10-for-17 fieldgoal shooting at nagdagdag ng 9 rebounds at 3 blocked shots para sa Heat.
Nag-ambag si Chris Bosh ng 18 points para sa Miami na muling naglaro nang wala ang mga may injury na si Dwyane Wade at Luol Deng.
- Latest