^

PSN Palaro

Sa pagkakatatag ng LVP PVF pinababakante na ang opisina sa RMSC

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kailangang umalis ang Philippine Volleyball Federation (PVF) sa kanilang tanggapan na nasa loob ng Rizal Memorial Sports Complex.

Dapat gawin ito ng PVF matapos maglabas ng komunikasyon ang international volleyball federation (FIVB) na nagbibigay ng probationary recognition sa bagong tatag na Larong Volleyball ng Pilipinas (LVP) na siya nilang kikilalanin bilang miyembro sa Pilipinas.

Lumiham si FIVB president Ary Graca sa POC para ipaalam ang bagay na ito at magiging opisyal ang basbas sa LVP kung maisagawa na ang eleksyon sa Pebrero 15.

“Kailangan ng PVF na umalis sa kanilang tanggapan dahil nagsalita na ang FIVB sa bagay  na ito,” wika ni PSC chairman Ricardo Garcia.

Ang mga NSAs na may basbas ng POC at interna­tional federation lamang ang puwedeng tulungan ng PSC at kasama na rito ang pagpapatira ng atleta at pag­bibigay ng mga tanggapan sa NSAs sa pasilidad na pinamamahalaan ng ahensya.

Kasabay nito, hahakbang na ang pamunuan ng LVP para sa pagbuo ng palabang koponan sa dalawang ma­lalaking kompetisyon na sasalihan ng bansa.

Una na rito ang Asian U23 Women’s Volleyball Championship sa Mayo sa Pilipinas bago sundan ng SEA Games sa Singapore sa Hunyo.

 Kasama ni Romasanta bilang incorporators ng LVP sina POC 2nd VP Jeff Tamayo, POC Legal Counsel Atty. Ramon Malinao, POC consultant Chippy Espiritu at Shakey’s V-League president Ricky Palou.

ARY GRACA

CHIPPY ESPIRITU

JEFF TAMAYO

LARONG VOLLEYBALL

LEGAL COUNSEL ATTY

PHILIPPINE VOLLEYBALL FEDERATION

PILIPINAS

RAMON MALINAO

RICARDO GARCIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
21 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with