^

PSN Palaro

Mitsubishi Lancer PSA Hall of Fame

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nakatakdang bigyan ng special award ang isang junior tennis tournament na idinadaos sa bansa sa nakalipas na 25 taon mula sa Philippine Sportswriters Association (PSA).

Iluklok ng pinakamatandang media organization sa bansa ang Mitsubishi Lancer International Junior Tennis Championship sa Hall of Fame sa Annual Awards Night na inihahandog ng MILO at San Miguel Corp. sa Feb. 16.

Sa higit sa dalawang dekada, ang nasabing annual netfest ang nagsisilbing ‘breeding ground’ ng mga pinakamagagaling na tennis players at may basbas ng International Tennis Federation (ITF).

Ang pinakahuli nitong torneo ay noong nakaraang taon.

Kabilang sina dating World No. 1 Andy Roddick at Lleyton Hewitt at si world doubles champion Leander Paes sa mga pamosong netters na minsang sumabak sa Mitsubishi Lancer tilt, habang ang mga locals na nagkampeon ay sina Francesca La’o, Jennifer Saret at Maricris Fernandez.

Ang netfest ay ikinukunsiderang Grade One tournament ng ITF na nangangahulugan na ang antas ng kompetisyon ay mataas at mabigat.

Ang mga personalidad na nauna nang iniluklok sa Hall of Fame ng PSA sa annual awards night na itinataguyod ng Smart, MVP Sports Foundation, at Meralco bilang principal sponsors kasama ang Philippine Sports Commission (PSC) bilang major sponsor ay sina boxing icon Manny Pacquiao, bowlers Paeng Nepomuceno at Bong Coo, basketball greats Caloy Loyzaga at Lauro Mumar, pro bo­xers Pancho Villa at Gabriel “Flash” Elorde, amateur boxer Mansueto “Onyok” Velasco, track stars Lydia De Vega at Mona Sulaiman, swimmer Teofilo Yldefonso, tennis player Felicisimo Ampon, Asia’s first Grandmaster Eugene Torre at golfers Ben Arda at Celestino Tugot.

vuukle comment

ANDY RODDICK

ANNUAL AWARDS NIGHT

BEN ARDA

BONG COO

CALOY LOYZAGA

CELESTINO TUGOT

FELICISIMO AMPON

FRANCESCA LA

HALL OF FAME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with