^

PSN Palaro

Rose bumandera para sa Bulls

Pilipino Star Ngayon

CHICAGO -- Suma­laksak si Derrick Rose ba­gama’t napakahigpit ng depensa ng San Antonio Spurs.

Nagbalik na ang pagi­ging astig ni Rose pati na ng Bulls.

Umiskor si Rose ng 22 points para pangunahan ang Bulls sa 104-81 paggi­ba sa Spurs.

Nauna nang naipatalo ng Chicago ang anim sa ka­nilang huling walong laro at ipinalasap sa defending champions ang kanilang pi­nakamasaklap na pagka­talo ngayong season.

Winakasan din ng Bulls ang four-game winning streak ng Spurs.

‘’It shows what we’re capable of doing,’’ sabi ni All-Star center Pau Gasol, humakot ng 12 points at 17 rebounds para sa Chicago.

Nagsalpak si Rose ng 9-of-16 fieldgoal shooting at naglaro lamang ng 45 se­gundo sa fourth quarter kung saan lumamang na ng malaki ang Bulls.

Naglista si Jimmy Butler ng 17, habang nagdagdag si Taj Gibson ng 15 points, 9 rebounds at 4 blocks ka­su­nod ang 15 markers ni Aaron Brooks.

Sa Portland,  nagsalpak si Evan Turner ng isang three-pointer sa natitirang 1.9 segundo para itakas ang Boston Celtics kontra sa Trail Blazers, 90-89.

Sa Milwaukee, humugot si Gordon Hayward ng 13 sa kanyang game-high na 24 points sa fourth quarter para ibigay sa Utah Jazz ang 101-99 panalo laban sa Bucks.

AARON BROOKS

BOSTON CELTICS

DERRICK ROSE

EVAN TURNER

GORDON HAYWARD

JIMMY BUTLER

PAU GASOL

SA MILWAUKEE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with