^

PSN Palaro

PBA pokus sa Rio Olympics

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tatlong malalaking tor­neo ang sasalihan ng Philippine Badminton Association (PBA) Smash Pilipinas National Team para mapasimulan ang paghahanda sa gagana­ping 2016 Rio Olympics qualifying sa Mayo.

Sa Pebrero magsisi­mula ang paghahanda ng Pambansang koponan sa ilalim ng pamamahala ni foreign coach Paulas Firman at dadalhin sila sa Iran, Austria at Germany.

Ang unang kompetis­yong sinisipat ay ang Iran Fajr International Challenge sa Tehran mula Pebrero 12 hanggang 15 bago sundan ng Austria Open sa Vienna mula Pebrero 18 hanggang 21 at ang 2015 Yonex German Open mula Pebrero 24 hanggang Marso 1.

Kasalukuyang namimili pa si Firman ng mga manlalaro na ipadadala sa nasabing mga kompetisyon.

Puspusan ang gagawing paghahanda ng badminton players dahil ipinag-utos ng liderato sa pangunguna ni PBA chairman Manny V. Pangilinan at Secretary-General Congressman Albee Benitez na gawin ang lahat ng makakaya para makapagpadala uli ang Pilipinas ng kinatawan sa Olympics.

Si Amparo “Weena” Lim ang natatanging manlalaro ng Pilipinas na naka­sali sa badminton sa Olympics na nangyari noon pang 1996 Atlanta edition.

Magsisimula ang Olympic qualifying mula Mayo 1 at isang taon ang panga-ngalap ng puntos sa mga kompetisyong may basbas ng Badminton World Fe­deration para makakuha ng puwesto sa men at women’s singles (38 slots), men’s at women’s doubles (16) at mixed doubles (16).

AUSTRIA OPEN

BADMINTON WORLD FE

IRAN FAJR INTERNATIONAL CHALLENGE

MANNY V

PAULAS FIRMAN

PEBRERO

PHILIPPINE BADMINTON ASSOCIATION

PILIPINAS

RIO OLYMPICS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with