^

PSN Palaro

Lady Eagles hangad ang ikaanim na panalo sa pagsagupa sa dehadong Lady Warriors

Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(The Arena, San Juan City)

2 p.m. – UE vs Ateneo (w)

4 p.m. –  FEU vs UST (w)

 

MANILA, Philippines - Matapos mapahirapan sa huli nilang laro, inaasa­hang madaling laro ang haharapin ng nagdedepensang Ateneo Lady Eagles dahil kasukatan nila ang wala pang panalong University of the East Lady Warriors sa 77th UAAP women’s volleyball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Sa ganap na alas-2 ng hapon magsisimula ang ta­gisan at magkakaroon ng pagkakataon ang Lady Eagles na pantayan sa unahang puwesto ang pahingang La Salle Lady Archers kung mahahagip ang ikaanim na su­nod na panalo.

Dumaan sa butas ng karayom ang Ateneo bago di­naig ang University of the Philippines Lady Maroons sa limang mahigpitang sets noong Enero 4.

Nangapa ang nagdedepensang kampeon dahil ito ang kanilang unang laro sa liga matapos noong Dis­yembre 6.

Wala pang panalo ang Lady Warriors matapos ang anim na laro at hindi malayong madugtungan ang kanilang losing streak lalo pa at higit na mas mataas ang lebel ng laro ngayon ng Ateneo.

Mas magiging maaksyon ang ikalawang laro sa alas-4 ng hapon sa pagkikita ng Far Eastern University Lady Tamaraws at ang minamalas na University of Sto. To­mas Tigresses.

Balak ng Lady Tamaraws ang solohin ang ikatlong puwesto kung makukuha ang ikaapat na panalo matapos ang pitong laro.

Pero asahan na gagawin ng Tigresses ang lahat ng makakaya para tapusin ang limang sunod na pagkatalo matapos manaig sa straight sets kontra sa UE.

Ang mahusay na rookie na si Ennajie Laure ay na­kikitaan ng ganda ng laro pero dapat ay masuportahan siya ng mga beterano para manatiling buhay ang paghahangad ng UST na makalaro sa Final Four.

Ang huling koponan na tumalo sa España-based team ay ang National University Lady Bulldogs sa loob ng limang sets. (ATan)

vuukle comment

ATENEO

ATENEO LADY EAGLES

ENNAJIE LAURE

FAR EASTERN UNIVERSITY LADY TAMARAWS

FINAL FOUR

LA SALLE LADY ARCHERS

LADY

LARO

SAN JUAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with