^

PSN Palaro

Mga aksyon sa NCAA volleyball, football muling masasaksihan sa Miyerkules

Joey Villar - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Natapos na ang ba­kasyon at muling matutung­hayan ang mga aksyon sa NCAA Season 90 volleyball at football sa Miyerkules sa Ri­zal Memorial pitch at sa The Arena sa San Juan Ci­ty, ayon sa pagkaka­su­nod.

Sasagupain ng Emilio Aguinaldo College, nag­pos­te ng nine-game sweep sa men’s division sa first round, ang Arellano University, may 6-3 (win-loss) re­cord na nagbigay sa ka­nila ng ikaapat at huling sil­ya sa semifinals.

Pinamunuan ni MVP leader Howard Mojica, winalis ng Generals, puma­ngalawa noong nakaraang season, ang lahat ng ka­nilang siyam na asignatura sa first round.

Tampok dito ang ka­nilang 20-25, 25-15, 20-25, 25-18, 15-13 pagtakas sa Perpetual Help noong Dec. 4 na tumapos sa 54-match winning streak ng Altas.

Makakaharap ng Perpetual Help, ang four-peat champion, ang College of St. Benilde (7-2).

Sa women’s division, pun­tirya rin ng Arellano Uni­­versity ang kanilang ika-10 sunod na panalo ma­­karaan ang kanilang nine-game sweep sa first round sa pagharap sa San Se­bastian.

Magtutuos naman ang Perpetual Help, ang three-peat titlist, at ang St. Benilde.

Tumapos ang Lady Bla­zers, Lady Altas at Lady Stags sa ikalawa, ikatlo at ika­apat na puwesto base sa quotient scores maka­raang magtabla ang tatlo sa second spot.

May magkakatulad silang 7-2 (win-loss) record matapos ang first round.

Sa juniors’ division, ma­kakasukatan ng Lyceum, nagtala ng seven-match sweep sa first round, ang San Sebastian at makaka­laban ng EAC ang Perpe­tual Help.

Sa high school football, ha­harapin ng La Salle-Greenhills ang EAC at ma­kakatipan ng defending champion San Beda ang Arellano sa pagsisimula ng second round.

Naipanalo ng Greenies ang lahat ng kanilang anim na laro para ilista ang 18 points kasunod ang Cubs (15), Junior Chiefs a(12) at Brigadiers (7).

Sa college football, ta­tar­getin ng San Be­da Red Lions, ang three-peat title-hol­der, ang kanilang pang-pitong su­nod na panalo asa pagharap sa St. Benilde.

Magtutuos naman ang Lyceum Pirates at ang Arellano Chiefs sa Huwebes.

ARELLANO CHIEFS

ARELLANO UNI

ARELLANO UNIVERSITY

COLLEGE OF ST. BENILDE

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

HOWARD MOJICA

PERPETUAL HELP

SHY

ST. BENILDE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with