^

PSN Palaro

So mapapalaban sa American GM

Joey Villar - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Haharapin ni GM Wesley So ang number one US player na si GM Hiraku Nakamura ngayon sa isang blitz death match.

Si So, na kinakatawan na ang US ay number ten ngayon sa FIDE World ranking at si Nakamura, na nasa ikasiyam sa talaan, ay maglalaban sa loob ng tatlong oras na magsisimula sa ganap na ala-1 ng umaga (Ph time) gamit ang time controls na 5/1 (five minutes at one second increment), 3/1 at 1/1.

Halos dikit ang ranking ng dalawang manlalaro sa classical chess pero angat ang three-time US champion na si Nakamura kung blitz ang pag-uusapan dahil pa­ngalawa siya sa world champion na si Magnus Carlsen ng Norway sa 2887 habang si So ay may 2726 para sa ika-35th puwesto.

Ang mananalo ay magkakamit ng $1,000.00 premyo at tiyak na magiging kapana-panabik ang magaganap na tagisan dahil ngayon lamang magkikita sina So at Nakamura sa blitz game.

“I don’t believe Hiraku and I have played over-the-board blitz before. Our only tournament game was Tata Steel 2014 where I was white and it ended in a draw,” wika ni So sa Chess.com.

Lumundag si So mula 28th place noong 2013 tungo sa 10th place nang nanalo sa apat na torneo at ang pinakamalaking panalo ay  sa1st Millionaire Chess Open nang iuwi rin ang $100,000.00 gantimpala.

vuukle comment

HAHARAPIN

HIRAKU AND I

HIRAKU NAKAMURA

MAGNUS CARLSEN

MILLIONAIRE CHESS OPEN

NAKAMURA

SI SO

TATA STEEL

WESLEY SO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with