^

PSN Palaro

Parantac, Chan babandera sa wushu sa SEA Games

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Aabot  sa 11 taolo artist at dalawang sanda athle­tes ang balak ipadala ng Wushu Federation Philippines para sa 2015 SEA Games sa Singapore.

Pangungunahan ng dating World Junior champion John Keithley Chan at SEA Games gold medalist Daniel Parantac ang mga puwedeng ipanlaban sa taolo.

Ang iba ang isinama sa talaan sa kalalakihan ay sina Thornton Quieney Lou Sayan, Norlence Ardee Catolico, Spencer Palitog Bahod at Dave Degala sa kalalakihan habang sina Kariza Kris Chan, Agatha Chrystenzen Wong, Nasta­sha Manalansan Enriquez, Lesly Romero at Vanessa Jo Chan ang sa kababaihan.

Angs silver medalist sa Busan Asian Games na si Jean Claude Saclag at Francisco Solis ang mga ipanlalaban sa sanda.

Nanalo ang isinali ng wushu noong 2013 SEA Games ng tatlong ginto, tatlong pilak at dalawang bronze medals at bukod kay Parantac ay nanalo rin ang mga sanda artists na sina Jessie Aligaga at Dembert Arcita sa men’s 48kg at 52kg.

May dalawang pilak pa ang mga lady sanda artists na sina Divine Wally (48kg) at Evita Zamora (52kg).

Pero dadaan sa butas ng karayom ang laban ng bansa dahil dalawang timbang na lamang sa sanda ang paglalabanan sa Singapore.

“Mas mahirap ngayon dahil inalis ang mga events na malakas tayo. Pero lalaban pa rin tayo,” wika ni WFP secretary-general Julian Camacho na siya ring Chief of Mission sa ipadadalang Pambansang delegasyon.

Para mapaghandaan ang Singapore, ipadadala ang mga wushu players na ito sa China para magsanay na balak gawin sa Enero.

 

vuukle comment

AGATHA CHRYSTENZEN WONG

BUSAN ASIAN GAMES

CHIEF OF MISSION

DANIEL PARANTAC

DAVE DEGALA

DEMBERT ARCITA

DIVINE WALLY

EVITA ZAMORA

FRANCISCO SOLIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with