Productive year ang 2014 - Garcia
MANILA, Philippines – Isang gintong medalya lamang ang napitas ng Pilipinas mula sa sinalihang 17th Asian Games sa Incheon, Korea noong Setyembre.
Ayon kay Philippine Sports Commission chairman Richie Garcia, hindi masusukat ang kabuuang kampanya ng bansa sa pagsali lamang sa Incheon Games.
“We cannot judge the status or situation of Philippine sports based on one event (Asian Games) alone. It will have to be assessed based on the entire year,” wika kahapon ni Garcia sa PSA Forum sa Shakey’s Malate.
Tanging si Fil-American BMX rider Danielo Caluag ang nakapagbigay ng gintong medalya sa bansa sa naturang quadrennial event.
Sinabi ni Garcia na hindi lamang ang nag-iisang gold medal sa Incheon Asiad ang dapat tingnan ng mga kritiko.
Nararapat ring ipagmalaki ang nakuhang gold medal ni archer Luis Gabriel Moreno sa 2nd Youth Olympic Games sa Nanjing, China noong Agosto.
Ang nasabing gintong medalya ni Moreno, apo ni actor/host German ‘Kuya Germs’ Moreno, ang kauna-unahan ng bansa sa YOG.
Noong nakaraang buwan ay nag-uwi ng gold medal sina jiu-jitsu fighters Annie Ramirez at Maybelline Masudasa 4th Asian Beach Games sa Phuket, Thailand.
Ayon kay Garcia, madaragdagan pa ang mga gintong medalyang makukuha ng bansa bago matapos ang taon.
“I’m happy to announce that as we close the year we are still winning medals overseas,” wika ni Garcia. “Even before the year ends our athletes are still competing.”
“It was a productive year. We are very happy with the performance. Not everyone will share that but we stand by our athletes. It was a good year,” dagdag pa ng PSC chief.
Nabigo naman ang Gilas Pilipinas na makakuha ng medalya sa Incheon Asiad.
- Latest