Curry nagbida sa Warriors
MINNEAPOLIS – Nakaisip si Minnesota Timberwolves coach Flip Saunders ng paglalarawan kung paano labanan ang Golden State Warriors.
“Ever play RISK?’’ sabi ni Saunders sa classic board game. “I feel like I’m Macedonia with two people and I’m surrounded by 50 people and have to roll 12s 49 straight times.’’
Para sa mga hindi nakakaalam sa larong RISK na nakatutok sa strategy at world domination, ito ang mararanasan mo kapag kasagupa ang Warriors.
Umiskor si Stephen Curry ng 21 points at nagbigay ng 7 assists para sa pagdiretso ng Warriors sa kanilang franchise-record na 13-game winning streak matapos kunin ang 102-86 panalo sa Timberwolves.
Naimintis ni Curry ang anim sa kanyang pitong 3-point attempts, ngunit pinuwersa ng top-ranked defense ng Warriors ang Timberwolves na tumira ng mababang 36 percent bukod pa sa 19 turnovers para iposte ang NBA-best na 18-2 marka.
Nagdagdag si Klay Thompson ng 21 points at nakahinga ng maluwag ang Golden State matapos malamang hindi seryoso ang left knee injury ni center Andrew Bogut.
Sa first quarter pa lamang ay hindi na nakapaglaro si Bogut.
Pinamunuan naman ni Andrew Wiggins ang Minnesota sa kanyang 21 points at 6 rebounds, habang nagdagdag si Thaddeus Young ng 13 points at 7 rebounds.
- Latest