^

PSN Palaro

18 teams nag-apply para sa 2015 Le Tour

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Umabot na sa 18 foreign teams ang bilang ng mga ap­likante para sa 6th Le Tour de Filipinas na pakaka­walan sa Pebrero 1-4, 2015.

Kabilang sa listahan ay ang apat na koponan ng Iran na TSR Continental Team, TPT Cycling Team, Pish­gaman Yazd Pro Cycling Team at Tabriz Shahr­dadi Team, habang ang Team Ukyo at Bridgestone Cycling Team ay kakatawan sa Japan bukod pa sa RTS Carbon Team at Attaque Team Gusto ng Taiwan.

Nakakuha rin ng inte­res ang Le Tour mula sa Eu­rope, ang Frøy-Bianchi Con­tinental Team na naka­ba­se sa Norway, United States, Team Novo Nordisk (TNN), Australia, Satalyst Giant Racing Team at Team Vo­rarlberg.

Ilan pa sa mga aplikante para sa 2015 Le Tour ay ang Brunei (CNN Cycling team at Brunei Prince’s Team), Kazakhstan (Astana Con­tinental Team), Indonesia (Pegasus Continental Team), Malaysia (Terengganu Cycling Team) at Uz­be­kistan (National Team).

Inorganisa ng Ube Media, ang karera na inilunsad ni Air21 PhilCycling chairman Bert Lina ay naglala­yong dalhin ang Philippine cy­cling sa global stage.

Ang Stage One sa Peb­rero 1 ay isang out-and-back 126-km Balanga-Balanga ride sa mga bundok ng Bataan, habang ang Stage 2 sa Pebrero 2 ay 153.75 kms flat racing mula Bala­nga hanggang sa Iba, Zambales.

Ang Stage 3 sa Peb­rero 3 ay isang 149.34-km race mula sa Iba pa­tungong Linga­yen, Panga­si­nan at ang Stage 4 sa Pebrero 4 ay galing sa Lingayen hanggang sa Burnham Park sa Baguio City via Kennon Road.

Tanging sina Baler Ravina (2012) at Mark John Ga­ledo (2014) ang mga Filipino riders na naghari sa Le Tour kahanay sina Rahim Emami (2011) at Ghader Miz­bani (2013) ng Iran at Da­vid McCann (2010) ng Ire­land.

ANG STAGE

ANG STAGE ONE

ASTANA CON

ATTAQUE TEAM GUSTO

BAGUIO CITY

LE TOUR

PEBRERO

SHY

TEAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with