^

PSN Palaro

M’weather nais nang labanan si Pacquiao

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Binuko ng adviser ni Floyd Mayweather Jr. ang pagnanais nito na maganap ang pagtutuos nila ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao.

Sa panayam ni Ryan Sandoval ng FightHype kay Sam Watson, kaibigan at adviser ng American boxer, sinabi nito na taliwas ang lumalabas sa bibig ni Mayweather sa kanyang ipinakikita kapag ang usapin na mega fight laban kay Pacquiao ang pinag-uusapan.

Hindi tumutugon si Mayweather sa katanungan kung lalabanan na ba niya si Pacquiao at sa halip ay patuloy na minamaliit ang kakayanan ng eight division world champion na anim na beses na pinatumba tungo sa one-sided unanimous decision si Chris Algieri noong Linggo sa Macau, China.

“Floyd wants to fight Manny Pacquiao real bad,” wika nito. “That’s all Floyd’s been talking about is fighting Manny Pacquiao. So once the deal is set and done, you’ll see the biggest fight you ever saw in your life.”

Sa tantiya ni Watson, dalawang laban ang makikita sa dalawang premyadong boksingero sa kapana­hunang ito.

Ang pahayagn ni Watson ay ginawa kasabay ng paglabas ng dalawang malaking promoter na naghayag ng kahandaan na itaguyod ang laban.

Isa rito ay si Oscar De La Hoya ng Golden Boy Promotion at handa niyang sagutin ang tinatayang $180 millon dollars para sa prem­yo lamang ng dalawang bok­singero.

vuukle comment

CHRIS ALGIERI

FLOYD

FLOYD MAYWEATHER JR.

GOLDEN BOY PROMOTION

MAYWEATHER

OSCAR DE LA HOYA

PACQUIAO

PAMBANSANG KAMAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with