^

PSN Palaro

Azkals binokya ang Indons, may tiket na sa semis

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sa unang 16 minuto pa lamang ng laro ay nakaiskor agad ang Philippine Azkals para pasimulan ang matin­ding 4-0 pagdurog sa Indonesia sa pagpapatuloy kagabi ng 2014 AFF Suzuki Cup sa My Dinh Stadium sa Hanoi, Vietnam.

Nalapatan ng foul sa penalty box si Misagh Bahadoran ng team captain ng katunggaling koponan na si Firman Utina at ang bagay na ito ay agad na kinapitalisa ni Phil Younghusband na naipasok ang ikalawang goal sa torneo tungo sa 1-0 kalamangan.

Mula rito ay tumaas na ang kumpiyansa ng Azkals at sina Manuel Ott (52nd), Martin Streuble (68th) at Robert Gier (79th) ay pumuntos pa sa second half para wakasan ang di-inasahang dominasyon ng Pilipinas.

Ito lamang ang unang panalo ng Pambansang kopo­nan mula 1934 nang tinalo ng Pilipinas ang East Indies (dating pangalan ng Indonesia), 3-2.

Huling nagtuos ang dalawang koponan ay sa semifinals ng 2010 edisyon at winalis ng Indonesia ang dalawang laro sa magkatulad na 1-0 kalamangan.

Ang panalo ng Azkals ay ikalawang sunod matapos ang 4-1 tagumpay sa Laos, para magkaroon ng anim na puntos at tiket sa semifinals ng kompetisyon sa ikatlong sunod na pagkakataon.

AZKALS

EAST INDIES

FIRMAN UTINA

MANUEL OTT

MARTIN STREUBLE

MISAGH BAHADORAN

MY DINH STADIUM

PHIL YOUNGHUSBAND

PHILIPPINE AZKALS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with