Cano, Gonzales nagdomina sa PCA Open netfest
MANILA, Philippines - Kinopo nina Joshua Cano at Cenon Gonzales Jr. ang titulo sa kani-kanilang mga events sa 33rd Philippine Columbian Association (PCA) Open na inihandog ng Cebuana Lhuillier at Metro Global Holdings sa PCA indoor shell clay courts sa Paco, Manila.
Pinabagsak ng sixth seed na si Cano ang No. 7 na si Argil Lance Canizares, 6-4, 6-3, para angkinin ang korona sa boys’ 18-under category ng torneong suportado ng Dunlop, Fujidenzo/Whirlpool, Babolat, Hon. Emmanuel “Manny” Pacquiao, Head, Accel, Malate Bayview Mansion, Coca-Cola Bottlers Phils. Inc., Philippine Prudential Life Insurance Company Inc. at Seno Hardware.
Kinailangan naman ng second pick na si Gonzales ng malakas na puwersa sa third set para kunin ang 6-3, 3-6, 7-5 panalo kontra kay fifth seed Vincent Alanis at sikwatin ang titulo sa boys’ 16-under event.
Magpapatuloy ang aksiyon sa Sabado tampok ang bakbakan ng matitikas na manlalaro sa seniors at ladies division.
Idedepensa ni Johnny Arcilla ang kaniyang korona sa men’s division kung saan nais nitong makuha ang kaniyang ikasiyam na titulo.
Puntirya ni Marian Jade Capadocia na makuha ang ikaapat na sunod na titulo sa women’s side ng event na suportado rin ng United Auctioneers Inc. Foton, Philippine Sports Commission, TLH Sports & Wellness at GMA 7.
- Latest