^

PSN Palaro

Army tatapusin na ng Cagayan

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sasamantalahin ng Ca­gayan Valley ang kakula­ngan ng mga maaasa­hang manlalaro ng Army sa ikala­wang laro sa Shakey’s V-League Season 11 Third Conference Finals nga­yong hapon sa The Arena sa San Juan City.

Ang laro ay mapapanood dakong alas-2:45 ng hapon matapos ang pag­tutuos ng Systema Active Smashers at Instituto Estetico  Manila Volley Masters sa alas-12:45 ng ha­pon para sa kam­peonato sa kalalakihan.

Ang Systema ang na­kauna sa best-of-three series sa  21-25, 23-25,25-19, 25-23,16-14, sa unang pagkikita na ginawa noong nakaraang Linggo.

Inaasahan naman na ginamit ng Volley Masters ang mahabang pahinga para mapaghandaan ang Systema at mapaabot sa Game Three ang serye sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Sha­key’s at may suporta pa ng Accel at Mikasa.

Nakaisa rin ang Lady Rising Suns sa Lady Troo­pers sa ligang ito matapos angkinin ang  25-23, 20-25, 25-21, 25-18, panalo sa unang bakbakan.

Napapaboran pa nga­yon ang koponan ni coach Nestor Pamilar na mabawian ang Army matapos aga­win ang hawak na titulo sa Open Conference.

Ito ay dahil sina 6’2 Dindin Santiago at Carmina Aganon ay hindi makaka­paglaro sa Army dahil isusuot nila ang uniporme ng mother team sa commercial league na kasa­bay na magdaraos ng laro ngayon.

Hindi naman ipina­pa­sok ni Pamilar sa isipan nila ang bentaheng ito.

“Pinaghahandaan namin sila na maglalaro ng kum­pleto. Kung totoo man ang balita, malaking bagay ito at hahanapan namin ng paraan para kapitalisahin ang advantage na ito,”  wika ni Pamilar.

Ang mahusay na Thai import na sina Patcharee Saengmuang at Amporn Hyapha ang sasandalan ng Cagayan pero dapat na magpatuloy ang magandang suporta ng ibang locals tulad ng setter na si Shie Caet.

Sasandalan naman ni Army coach Rico de Guzman ang puso at determinasyon ng mga datihan sa koponan para maitabla ang serye sa 1-1.

Sina Rachel Ann Da­quis, Jovelyn Gonzaga, Mary Jean Balse, Nerissa Bautista at Tina Salak ang mga makikitaan ng husay para mapigilan ang tangkang sweep ng Cagayan.

Kung magkaroon ng sudden-death sa dalawang championship games, ito ay gagawin sa susunod na Linggo.

AMPORN HYAPHA

ANG SYSTEMA

CARMINA AGANON

DINDIN SANTIAGO

GAME THREE

INSTITUTO ESTETICO

JOVELYN GONZAGA

LADY RISING SUNS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with