Lakas at istilo ni Algieri pinag-aaralan ni Pacquiao
MANILA, Philippines – Hindi minamaliit ni Manny Pacquiao ang lakas sa pagsuntok ng makakalabang si Chris Algieri.
Masusing pinag-aaralan ng kampo ng Pambansang kamao ang istilo ni Algieri na hindi pa natatalo matapos ang 20 laban pero hindi kilala bilang isang knockout artist dahil sa pagkakaroon lamang ng walong KOs.
“Manny has to watch out for his left jab, left hook and right uppercut down the middle. Those are the three things Algieri likes to throw,” wika ng assistant trainer ni Pacquiao na si Buboy Fernandez.
Itataya ni Pacquiao ang WBO welterweight title laban kay Algieri sa Nobyembre 23 sa Macau, China.
Wala na ring problema sa kondisyon ng pangangatawan ni Pacquiao dahil noon pang Setyembre 3 ay sinimulan na ni Fernandez ang pagpapakondisyon sa natatanging 8-division world champion.
“I knew Freddie (Roach) would arrive in the first week of October so I wanted to endorse Manny in good condition. I didn’t want to embarrass myself and hand over Manny to Freddie less than 100 percent in shape,” dagdag nito.
Isa sa ipinagagawa kay Pacquiao sa laban ay ang pigilan ang istilong patakbu-takbo ni Algieri.
Kung mangyari ito ay nakikita ni Fernandez na matatapos ng maaga sa 12 rounds ang bakbakan.
“If he runs, it will take a little more time to catch him. If Algieri doesn’t run, it will take less time. I think Manny’s too quick for Algieri. If Algieri runs, Manny will attack and it will just be a matter of time before he knocks him out,” paliwanag pa ni Fernandez.
Ang pananaw na ito ay suportado rin ng conditioning coach na si Justine Fortune.
Ani ni Fortune, gagamitin ng challenger ang kanyang height advantage pero may bentahe rin si Pacquiao tulad ng kanyang bilis na dapat din niyang gamitin sa tagisan.
“Algieri has his advantages and so does Manny. So it’s a matter of making your advantages work for you. Pacquiao brings power and quickness to the table. If Algieri chooses to engage, the bout could end sooner than later with Pacquiao’s power making the difference,” wika ni Fortune.
- Latest