^

PSN Palaro

IEM, systema mag-uunahan ding lumapit sa men’s title: Army paboritong masikwat ang ika-2 sunod na korona vs Cagayan

Pilipino Star Ngayon

Laro  Ngayon

2 p.m.  IEM vs Systema (Men’s finals)

Awards rites

4 p.m.  Army vs Cagayan (Women’s finals)

 

MANILA, Philippines - Lalapit  ang Army Lady Troopers sa posibleng ikalawang sunod na titulo pero handa ang Cagayan Valley Lady Rising Suns na pigilan ang planong ito.

Sa ganap na alas-4 ng hapon ay magtutuos ang Army at Cagayan Valley sa pagsisimula ng best-of-three women’s Finals ng Shakey’s V-League Season 11 Third Conference.

Ang Instituto Estetico Manila Volley Masters at Systema Active Smashers ay mag-uunahan din sa mahalagang 1-0 bentahe sa pagbubukas ng men’s Finals sa ganap na alas-2 ng hapon.

Papagitna sa dalawang kapana-panabik na championship games sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s bukod sa suporta ng Accel at Mikasa, ay ang paggawad ng parangal sa mga mahuhusay na manlalaro ng liga sa Awards rites.

Hindi pa natatalo ang Army sa anim na laro na hinarap sa elimination round para mapaboran sa laban kahit naglalaro ng walang imports.

Ang mga players na nag­tulung-tulong nang ali­san ng korona ang Caga­yan sa Open Confe­rence na sina Jovelyn Gonzaga, Mary Jean Balse, Rachel Ann Daquis at setter Tina Salak ay sinahugan sa paghugot kina Dindin Santiago at Carmina Aganon para tumikas pa ang pu­wersa ng koponan.

Pero asahan na ibang Lady Rising Suns ang kanilang makakaharap dahil tiyak na mas nagka­gamayan na ang mga lo­cals at dalawang mahu­husay na Thai imports ni coach Nestor Pamilar.

Sina Saengmuang Pat­charee at  Hyapha Amporn ay nakapaglaro lamang sa second round at nagawang pahirapan ang Army sa ika­lawang pagtutuos bago bumigay sa fifth set (22-25, 24-26, 28-26, 25-23, 13-15).

Ang unang pagkikita ay nauwi rin sa limang sets na inangkin ng Army sa 17-25, 25-17,17-25, 25-21, 15-13, iskor.

“Kailangang hindi lamang ang mga imports namin ang aatake para hindi kami madepensahan,” wika ni Cagayan coach Nestor Pamilar na pinangunahan ang liga sa spiking (34.33% success rate), serve (2 average per set) at  receive (24.04%).

Lumabas ang Army bilang una sa blocking (2.69 ave. per set) at puma­ngalawa sa serve, digs at setters para katampukan ang magandang panimula.(ATan)

ANG INSTITUTO ESTETICO MANILA VOLLEY MASTERS

ARMY

ARMY LADY TROOPERS

CAGAYAN VALLEY

CAGAYAN VALLEY LADY RISING SUNS

CARMINA AGANON

DINDIN SANTIAGO

NESTOR PAMILAR

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
15 hours ago
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with