^

PSN Palaro

Texters lumakas ang signal Road Warriors pinigil

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

STANDINGS W    L

Ginebra             1     0

Meralco            1     0

San Miguel                  1     0

Alaska              1     0

Kia                    1     0

NLEX               1     1

Talk ‘N Text                  1     1

Purefoods                    0     1

Globalport                     0     1

*Blackwater                  0     1

*Rain or Shine            0     1

*naglalaro pa as of presstime

Laro Ngayon

(Lucena City)

5 p.m. Ginebra

 vs Kia Motors

 

 

MANILA, Philippines - Nagawang patahimikin ng Tropang Texters si 6-foot-9 Fil-Tongan Asi Taulava ng Road Warriors para kunin ang una nilang panalo sa ilalim ni bagong head coach Jong Uichico.

Nagtayo ng 20-point lead sa third period, giniba ng Talk ‘N Text ang NLEX, 103-81, sa  2014 PBA Phi­lippine Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Bumalikwas ang Tropang Texters mula sa ka­nilang 81-101 pagyuko sa Ginebra Gin Kings sa una nilang laro kasama si Uichico.

“We’re trying to get things together slowly. It’s still adjustment period for us,” sabi ni Uichico, isang eight-time PBA champion bench tactician.

Kinuha ng Talk ‘N Text ang isang 16-point lead, 28-12, sa 2:03 minuto ng first period hanggang makalapit ang NLEX sa 37-39 agwat mula sa three-point shot ni Aldrech Ramos sa pagsisimula ng third quarter.

Isang 18-4 atake ang ginawa nina Jayson Castro, Kelly Williams, Jay Wa­shington at rookie Matt Ga­nuelas-Rosser para muling ilayo ang Tropang Texters laban sa Road Warriors sa 57-42 sa 6:35 minuto ng nasabing yugto.

Ikinasa ng Talk ‘N Text ang pinakamalaki nilang kalamangan sa 22 points, 79-57, buhat sa basket ni Ranidel De Ocampo sa kaagahan ng final canto.

At mula rito ay hindi na nakabangon ang NLEX.

Tumapos si Washington na may 19 points kasunod ang 18 ni Williams, 15 ni Castro at 13 ni Ganuelas-  Rosser para sa Tropang Texters, habang may 10 markers si Taulava sa se­cond half sa panig Road Warriors matapos malimita sa 2 points sa first half.

Samantala, mag-uuna­han sa pagpoposte ng 2-0 baraha ang Barangay Ginebra at ang Kia Motors sa kanilang banggaan ngayong alas-5 ng hapon sa Lucena City.

Umiskor ang Gin Kings ng 101-81 panalo laban sa Tropang Texters, habang kinuha ng Sorento ang 80-66 tagumpay kontra sa Blackwater Elite sa kanilang mga unang laro.

Talk ‘N Text 103 - Wa­shington 19, Williams 18, Castro 15, Ganuelas-Rosser 13, Carey 7, Fonacier 7, Reyes Ryan 5, Reyes Rob 5, Alas 4, De Ocampo 4, Labagala 2, Seigle 2, Aban 2, Espiritu 0.

NLEX 81 - Villanueva J. 19, Ramos 14, Cardona 13, Taulava 12, Villanueva 10, Canaleta 5, Borboran 3, Baloria 3, Apinan 2, Raymundo 0, Camson 0, Villarias 0, Arboleda W. 0, Arboleda H. 0.

Quarterscores: 28-15; 39-34; 75-55; 103-81.

ALDRECH RAMOS

ARBOLEDA H

ARBOLEDA W

KIA MOTORS

LUCENA CITY

N TEXT

ROAD WARRIORS

TROPANG TEXTERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with