^

PSN Palaro

Pacquiao pahinga muna sa PBA, balik ensayo vs Algieri

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Matapos sungkitin ang pinakaunang panalo sa PBA, balik ensayo muna si Manny Pacquiao para sa nalalapit niyang laban kontra kay Chris Algieri.

Sinabi ni Pacquiao na hindi naging maganda ang kanyang laro sa unang salang ng KIA Sorento kagabi dahil sa pag-iisip sa nalalapit na laban niya sa Nobyembre 23 sa Macau.

“Sanay naman tayo sa balikatang laban sa probinsya. Medyo hindi lang ako focused dahil nasa isip ko yung Algieri fight,” wika ng eight-division champion. “Masaya na ako, panalo kami.”

Tumuon ang Sorento sa mainit na three-point shooting ni LA Revilla na tumapos ng may 23 markers kontra sa kapwa bagong koponan na Blackwater Elite, 80-66, kahapon sa harap ng halso 53,000 manonood sa loob ng Philippine Arena.

Sa pagpapahiya sa mga nagduda sa kakayanan ng kanyang koponan sa PBA, tututukan muna ng Sarangani representative ang kanyang pagboboksing.

“I’ll be back (in the PBA) after the fight. I know there’s nothing to worry about our team since my assistant coaches will be there.”

Hahawakan muna ni chief assistant coach Glenn Capacio ang KIA kasama sina Rob Wainwright, Chito Victolero at Mulong Orillosa.

Inaasahang sa pagtatapos na ng elimination round ng PBA Philippine Cup makababalik si Pacquiao.

vuukle comment

BLACKWATER ELITE

CHITO VICTOLERO

CHRIS ALGIERI

GLENN CAPACIO

MULONG ORILLOSA

PACQUIAO

PHILIPPINE ARENA

PHILIPPINE CUP

ROB WAINWRIGHT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with