Donaire knockout kay Walters sa 6th round
CARSON, California – Hinarap ni Nonito Donaire Jr. ang isang kalaban na mas magaling at mas malakas sa kanya at bumagsak sa huling segundo sa sixth round dito sa StubHub Center kahapon.
Kumonekta si Nicholas Walters, ang knockout artist mula sa Jamaica, ng isang overhand right sa ibabaw ng kanang tenga ni Donaire para hirangin bilang nag-iisang WBA featherweight champion.
Nabigo si Donaire na mapatama ang kanyang killer punch at left hook at naiwang nakabukas ang depensa na nagresulta sa knockout punch ni Walters.
Nang maikonekta ito ni Walters ay bumagsak si Donaire na una ang mukha sa sahig.
Sa pagsisimula ng pagbilang ni referee Raul Caiz Jr. sa nakahigang si Donaire ay patuloy ang pagdurugo sa mga mata nito.
Unti-unti siyang nakatayo ngunit kumalog ang mga tuhod kaya nagdesisyon si Caiz na ihinto ang laban.
Ito ang unang pagkakataon na napabagsak si Donaire, napatumba rin ni Walters sa third round, sa kanyang pro boxing career.
Ipinagdiwang ni Walters ang tagumpay sa kanyang corner, habang naupo lamang sa silya si Donaire.
Pinunasan ng kanyang father/trainer na si Nonito Sr. ng bulak ang mga putok sa mukha ni Donaire at pagkatapos ay hinalikan ang pisngi ng kanyang anak.
Pinuri ni Donaire ang 25-anyos na Jamaican na itinaas ang kanyang record sa 25-0 kasama ang 21 knockouts.
“I can’t compete with a guy like Walters, with his size and power and overwhelming aura in the ring. He came out as tough as I thought he would be,” wika ni Donaire, may 33-3-0 ring record ngayon.
“He was just amazing and knocked the shit out of me. He’s an amazing guy. I was at my best. I never trained this hard. He beat the shit out of me.”
Tinanong ni Max Kellerman, ang HBO ring analyst, si Donaire kung mayroon pa siyang gustong sabihin kay Walters.
“You are amazing,” sabi ng Filipino fighter.
- Latest