^

PSN Palaro

Hapee dumaan sa tamang proseso para makuha si Newsome sa D-League

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dumaan sa tamang proseso ang pagkuha ng Hapee Toothpaste sa ser­bisyo ni Ateneo guard Chris Newsome para sa PBA D-League Aspirants’ Cup.

Ito ang sinabi ng manager ng Fil-Am na si Charlie Dy para pabulaanan ang akusasyon ni Tanduay coach Law­rence Chongson na nagtago si Newsome matapos kunin ng koponan bilang No. 2 pick kaya’t hindi nabigyan ng offer sa five-day grace period.

Ayon kay Dy, kahit ang team manager ng Tanduay na si Jean Alabanza na sumusuporta rin sa Ateneo ay hin­di kumilos para magbigay ng offer kay Newsome.

Si Newsome ay kinuha ng Hapee matapos mapaso ang grace period para bigyan ng offer ng isang koponan ang manlalarong pinili sa isinagawang Rookie Draft.

“Chris never hide. He’s very easy to locate,” wika ni Dy sa kanyang twitter kahapon.

Naghahabol si Chongson dahil lalabas na sinayang nila ang No. 2 pick bunga ng kawalan ng kapalit sa pag­sungkit ng Hapee.

Sinabi naman ng team manager ng Hapee na si Ber­nard Yang na wala silang nilabag sa proseso at han­dang harapin ang anumang imbestigasyon.

ATENEO

CHARLIE DY

CHONGSON

CHRIS NEWSOME

D-LEAGUE ASPIRANTS

HAPEE

HAPEE TOOTHPASTE

JEAN ALABANZA

NEWSOME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with