^

PSN Palaro

James, Kostas nagbida sa panalo ng Rockets

Pilipino Star Ngayon

DALLAS – Tumipa si James Harden ng 17 points, habang nagsalpak si Kostas Papanikolaou ng tatlong krusyal na free throws sa huling 0.2 segundo para ihatid ang Houston sa 111-108 panalo kontra sa Dallas sa kanilang preseason ope­ner.

Umiskor si Chandler Parsons ng 14 points laban sa kanyang dating ko­ponan para sa Dallas debut niya.

Nakakuha ng foul si Papa­nikolaou sa 3-point line ni Jae Crowder at naikonekta ang tatlong free throws para sa 111-108 abante ng Rockets sa larong may kabuuang 81 fouls at 109 trips sa free throw line.

Nakuha ni Dwight Ho­ward ang kanyang ikaanim na foul sa 6:29 minuto sa third quarter para sa Roc­kets na natawagan ng 45 fouls kumpara sa 36 ng Mavericks.

Hindi naglaro si Dallas star Dirk Nowitzki dahil sa isang right hip contusion.

Sa Miami, umiskor si rookie Devyn Marble ng walo sa kanyang 13 points sa overtime at tinalo ng Orlando Magic ang Miami Heat, 108-101.

Sa New York, nagposte si Brook Lopez ng 20 points sa kanyang pagbabalik mula sa injury-shortened season kasabay si Deron Williams na nagmula sa surgery para ihatid ang Brooklyn Nets sa 111-94 panalo kontra sa Maccabi Tel Aviv.

BROOK LOPEZ

BROOKLYN NETS

CHANDLER PARSONS

DERON WILLIAMS

DEVYN MARBLE

DIRK NOWITZKI

DWIGHT HO

JAE CROWDER

JAMES HARDEN

KOSTAS PAPANIKOLAOU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with