12 reinforcements ng PSL dumating sa bansa
MANILA, Philippines - Nasa bansa na ang 12 imports na paparada sa Philippine Superliga (PSL) Grand Prix, magsisimula sa Oktubre 18 sa Smart Araneta Coliseum.
Sa pamumuno ni Miss Oregon Alaina Bergsma, inaasahang aagaw ng atensyon ang bagong grupo ng mga imports sa premiere inter-club volleyball tournament sa bansa na may basbas ng Philippine Volleyball Federation (PVF), Asian Volleyball Confederation (AVC) at ng International Volleyball Federation (FIVB).
Ang 6-foot-3 na si Bergsma ang pagpapatunay sa ganda at lakas nang banderahan ang United States volleyball squad sa ilang international tournaments habang kinakatawan ang Oregon noong 2012 Miss USA-Universe kung saan niya nakuha ang Miss Photogenic Award.
Makakasama ni Bergsma si Brazilian setter Erica Adachi, magpapaalala kay Leila Barros dahil sa kanyang pamumuno at kagandahan, para sa Petron Blaze Spikers.
"We want to treat fans to a higher level of competition," sabi ni Ramon Suzara, ang president at CEO ng nag-oorganisang Sports Core at chairman din ng Asian Volleyball Confederation Development Committee at dating coach ng national volleyball team.
"By bringing in these world-class reinforcements from the United States, Brazil, Germany, Russia and Japan, we can increase the level of competition in the country that ensures the transfer of technology and raises the morale of our local players when pitted against other Asian countries."
Aagaw din ng atensyon si Cincinnati hitter Bonita Wise, isang kilalang campaigner sa European circuit na ipinanganak sa Pilipinas dahil ang kanyang amang si Francois ay dating naglaro sa Philippine Basketball Association (PBA) bilang import noong 1980s.
Magbabalik naman si spiker in Kaylee Manns kasama si Kristy Jaeckel, isang 23-anyos na hitter na nagbida sa NCAA Division I para sa Florida Gators.
- Latest