^

PSN Palaro

Systema pinatumba ang FEU

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Napasama para sa FEU Tamaraws ang pagpa­pakita ng emosyon ma­tapos kunin ang 2-1 kalamangan nang ipanalo ng Systema Active Smashers ang sumunod na dalawang laro para manaig sa 14-25, 25-19,19-25, 25-9, 15-9 sa men’s division ng Shakey’s V-League Season 11 Fo­reign Reinforced Confe­rence kagabi sa The Arena sa San Juan City.

Napigil ng Active Sma­shers ang kanilang errors, habang gumana ang mga atake nina Christopher Antonio, Salvador Depante, Patrick John Rojas at Christian Arbastro sa fourth at fifth set upang maitabla ang karta sa 1-1 sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s, Accel at Mikasa.

Inakala ng mga sumaksi sa laban na lalasapin ng Systema ang ikalawang su­nod na pagkatalo nang manaig ang Tamaraws sa third set, 25-19, matapos ka­kitaan ang beteranong ko­ponan ng 11 errors.

Nagdiwang ang Tamaraws matapos ang panalo pero agad na inalis ng Systema ang anumang momentum nila nang buksan ang fourth set tangan ang 11-4 kalamangan patungo sa panalo.

Si Antonio ay may 13 kills, apat na blocks at isang ace patungo sa kanyang 18 puntos, habang sina De­pante, Rojas at Arbastro ay nagsanib para sa pinagsamang 23 points.

May 12 hits mula sa 10 kills at 2 block si Greg Dolor, si Manolo Refugia ay may 38 excellent sets at si Rikko Marmeto ay may 13 digs para sa panig naman ng FEU.

Ngunit naglaho ang na­u­nang magilas na la­ro ng Tamaraws nang ma­mayagpag ang mga sina­sandalang manlalaro ng Systema patungo sa 0-1 ba­raha. (ATan)

ACTIVE SMA

CHRISTIAN ARBASTRO

CHRISTOPHER ANTONIO

GREG DOLOR

MANOLO REFUGIA

PATRICK JOHN ROJAS

SHY

SYSTEMA

TAMARAWS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with