^

PSN Palaro

Sa paghataw ngayon ng Foreign Reinforced Conference: Army ipaparada si Santiago kontra sa Meralco

Pilipino Star Ngayon

Laro  Ngayon

(The Arena, San Juan City)

4 p.m. IEM vs Systema (men’s)

6 p.m. Army vs Meralco (women’s)

 

MANILA, Philippines - Masisilayan ang ba­gong lakas ng Army Lady Troopers sa pagharap sa Meralco Power Spikers sa pag­sisimula ng Shakey’s V-League Season 11 Foreign Reinforced Conference nga­yong hapon sa The Are­na sa San Juan City.

Walang mga imports ang Open Conference cham­pion na Lady Troo­pers pero paborito pa rin ang koponan na makapagdomina sa ikatlong confe­rence ng ligang inorganisa ng Sports Vision dahil sa pag­lalaro ni 6-foot-2 Dindin San­tiago.

Ang pagpasok ni San­tia­go ay nagpatatag sa so­lidong line-up ng tropa ni coach Rico de Guzman dahil maglalaro pa rin ang mga matitikas na sina Jo­velyn Gonzaga, Rachel Ann Daquis, Mary Jean Bal­­se, Nerissa Bautista at setter Tina Salak.

Ang dating kasamahan ni Santiago sa National Uni­versity na si Carmina Aga­non ay nasa Army na rin para magkaroon ng ma­­lakas na pamalit ang ko­ponan.

Hinugot ng Power Spi­kers sina dating La Salle pla­yers Abigail Marano, Ste­phanie Mercado at Mau­reen Penetrante-Oua­no upang isama sa dalawang imports na sina Wanida Kotruang ng Thailand at Mi­sao Tanyama ng Japan.

Pahinga sa unang araw ng laro sa ligang may ayuda ng Accel at Mikasa ang Cagayan Valley Lady Rising Suns at PLDT Home Telpad Turbo Boosters.

Ang aksyon ay magsi­simula matapos ang kau­na-unahang tagisan sa men’s division sa hanay ng IEM at Systema sa ganap na alas-4 ng hapon.

Kasali rin sa kalalakihan ang FEU at Rizal Technological University.

Ang format sa dalawang dibisyon ay double round elimination at ang ma­ngungunang dalawang ko­ponan ang magtutuos sa titulo at ang ikatlong pu­­­westo ay paglalabanan ng dalawang mahuhuling ko­ponan. (ATan)

vuukle comment

ABIGAIL MARANO

ARMY LADY TROOPERS

CAGAYAN VALLEY LADY RISING SUNS

CARMINA AGA

DINDIN SAN

FOREIGN REINFORCED CONFERENCE

HOME TELPAD TURBO BOOSTERS

SAN JUAN CITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with