^

PSN Palaro

Gilas tinalo ang Mongolia para sa pang-7 puwesto

Beth Repizo-Meraña - Pilipino Star Ngayon

INCHEON, South Korea -- Binigyan ng Gilas Pi­lipinas ng magandang pa­mamaalam ang naka­kadismayang kampanya sa men’s basketball mula sa pag­tarak ng  84-68 panalo sa Mongolia kahapon sa 17th Asian Games  sa Hwa­seong Sports Complex gym­nasium dito.

Nagtrabaho ang kopo­nan mula sa ikalawang yug­to nang hawakan ang 20-9 palitan at ang 18-21 iskor sa pagtatapos ng unang yugto upang palawigin sa walong puntos ang abante, 38-30, sa halftime.

Nagposte si Ranidel de Ocampo ng 25 puntos, 11 rebounds, 7 assists, 2 steals at isang block sa 32 mi­nutong paglalaro, habang sina LA Tenorio, Gabe Norwood at June Mar Fajardo ay tumapos taglay ang tig-11 puntos para tapusin ng Pam­bansang koponan ang kam­panya sa ika-pitong pu­westo.

Humablot si Fajardo ng 12 rebounds para tulungan ang Pilipinas sa 47-36 kala­mangan sa rebounding ka­hit pinaglaro lamang ng pi­tong minuto si naturalized center Marcus Douthit.

Ito ang ikatlong panalo sa pitong laro ng Pilipinas sa kompetisyon na siyang pi­nakamasamang pagta­tapos sa kasaysayan ng pag­lalaro ng basketball sa Asian Games.

Ang dating pinakamasamang puwesto ng Pilipinas ay sa ikaanim na posisyon na nangyari noong 1996 sa Bangkok, Thailand at noong 2010 sa Guangzhou China.

Pilipinas 84 – De Ocampo 25, Tenorio 11, Norwood 11, Fajardo 11, Chan 8, Da­vid 8, Aguilar 7, Dillinger 3, Douthit 0, Lee 0.

Mongolia 68 – Battuv­shin 18, Tungalag 15, Ot­gonbaatar 11, Shinen 11, Gan­­­bold 6, Davaasam­buu 4, Oyuntsetseg 3, Munkh­ba­yar 0, Munkhtur 0, Tse­ren­­dagva 0.

Quarterscores: 18-21; 38-30; 63-55; 84-68.

ASIAN GAMES

DE OCAMPO

FAJARDO

GABE NORWOOD

GILAS PI

GUANGZHOU CHINA

JUNE MAR FAJARDO

PILIPINAS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with