^

PSN Palaro

4 boxers hangad makapasok sa gold medal round ng Asiad

Beth Repizo-Meraña - Pilipino Star Ngayon

INCHEON, South Korea -- Inaasahang gagawing mo­tibasyon ng nalalabing apat na Pinoy boxers ang unang gintong medalya na ibi­nigay ni BMX rider Daniel Clauag  sa ka­nilang pagsabak sa aksyon sa semifinal round ng boxing competition sa 17th Asian Games sa Seonhak Gymnasium dito.

Matapos ang isang araw na pahinga ay magbabalik sa ibabaw ng lona sina Mark An­thony Barriga, Charly Su­arez, Mario Fernandez at Wilfredo Lopez na taglay ang matinding determinas­yon na malampasan ang naitala ng koponan na tig-isang ginto, pilak at tansong medalya sa 2010 Guangzhou Asiad sa China.

Unang sasalang sa ak­syon si Suarez,  ang gold me­dalist sa 2011 Indonesia Southeast Asian Games at naglaro ng tournament sa India kung saan kinatawan ang Italy sa World Series of Boxing, laban kay Mohammad Obada Alhasbeh ng Jor­dan sa 60kg. division

“Ito na lang ang kaila­ngan namin na malampa­san. Makatalon lang kami ng semifinals, pwede na na­ming isugal lahat para ma­nalo lang kaming lahat ng ginto,” wika ni coach Nolito Velasco. “Kapag nakuha namin itong apat na laban na ito, all out na ito para gold me­dals. Go for golds tayo.”

Mabigat ang su­suunging laban ng Olym­pian na si Barriga na makikipagpalitan ng suntok sa pambato ng host country na si Jong Hun Shin sa 49kg. division.

Nakasentro naman ang atensyon ng coaching staff kay Barriga dahil pala­ging pinapaboran ang mga hometown bet na manalo sa kanilang mga nakasagupa sa kompetisyon.

“Mahirap na, kailangan dito laban kung laban,” dagdag pa ni Velasco.

“Handa naman ako. Sa boksing naman pantay lang ang laban sa ring,” sabi naman ni Barriga sa pagharap niya kay Shin.

Haharapin ni Fernandez si Jiaweil Zhang, silver me­dalist noong 2010 Asiad, ng China sa 56kgs class at makikipagbasagan ng muk­ha si Lopez, silver meda­list noong 2013 Myanmar Sea Games si Riyad Adel Al­hindawi ng Jordan sa 75kgs class.

Kumpiyansa si PSC chair­man Richie Gar­cia, si­ya ring Chief of Mission, na makakasikwat ng ginto ang mga boxers.

“Boxing is a source of me­dal in international com­pe­titions. I am positive and op­timistic they will live up to expectation. Let’s pray for their success,” ani Garcia.

ASIAN GAMES

BARRIGA

CHARLY SU

CHIEF OF MISSION

DANIEL CLAUAG

GUANGZHOU ASIAD

INDONESIA SOUTHEAST ASIAN GAMES

JIAWEIL ZHANG

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with