^

PSN Palaro

Basketball nakatulong para kay Pacquiao

RCadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kumbinsido si strength and conditioning coach Justin Fortune na malaki ang naitulong ng paglalaro ng basketball ni Manny Pacquiao para manatili sa kanyang magandang kondisyon.

Sinamahan kahapon ni Fortune ang Filipino world eight-division champion sa pagtakbo sa sports complex sa General Santos Ci­ty at pagpapawis sa gym.

“As far as his condition, he's in shape,” sabi ni Fortune kay Pacquiao sa pa­na­yam ng ABS-CBN News. “He always maintains good condition be­cause of his basketball, and he's always doing something.”

Plano ng 5-foot-6 na si Pacquiao na maglaro ng ilang minuto bilang playing/coach ng Kia Motors sa da­rating na 40th season ng PBA na magbubukas sa Oktubre 19.

Sinabi ni Pacquiao na nakipag-usap na siya kay chief trainer Freddie Roach at pinayagan na siyang maglaro sa PBA.

Muli namang kinuha ni­na Pacquiao at Roach ang serbisyo ni Fortune ma­tapos sibakin si Alex Ari­za na sinasabing lumipat sa kampo ni Floyd Maywea­ther, Jr.

Si Fortune, isang da­ting Australian professional boxer, ang strength and conditiong coach ni Pacquiao simula noong 2003 hanggang 2007 bago sila nagkaroon ng hindi pagkakasundo ni Roach.

Nagbalik ang Australian sa Team Pacquiao mula sa kahilingan ng Sarangani Congressman para sa kan­yang paghahanda sa kanilang rematch ni Timothy Bradley, Jr. noong Abril na kanyang naipanalo.

Kumpiyansa si Fortune na magiging handa si Pacquiao sa pagsagupa kay Ame­rican challenger Chris Algieri sa Nobyembre 22 sa Macau, China.

"We'll be in shape, we'll be in great shape for Algieri. We have to be, because Algieri will be in good shape. If anything, he's in great con­dition, so we'll be the same," wika ni Fortune.

Itataya ni Pacquiao ang suot na WBO welterweight crown.

ALEX ARI

ALGIERI

CHRIS ALGIERI

FLOYD MAYWEA

FORTUNE

FREDDIE ROACH

GENERAL SANTOS CI

JUSTIN FORTUNE

PACQUIAO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with