James wala pang desisyon kung maglalaro sa 2016 Rio Olympics
CLEVELAND – Hindi alam ni LeBron James kung magtatangka pa siyang muling makakuha ng Olympic gold medal.
Sinabi ni James na wala pa siyang desisyon kung maglalaro para sa Team USA sa 2016 Olympics sa Brazil kung saan maaari niyang makamit ang kanyang ikatlong sunod na gintong medalya.
Sinabi na ni Oklahoma City superstar Kevin Durant na muli siyang maglalaro para sa American team sa 2016 Rio Olympics.
“I'm nowhere near there,” wika ni James. “I haven't even thought about it too much. Obviously I know what's going on and what's happening. I haven't decided.”
Tatlong beses nang nakapaglaro ang 29-anyos na si James para sa U.S. Olympic teams.
Nakakuha siya ng bronze medal noong 2004 sa Athens Games kasunod ang dalawang golds noong 2008 sa Beijing at noong 2012 sa London.
Hindi naglaro si James para sa Team USA sa pinaghariang 2014 FIBA World Cup.
Nakatakdang harapin ni James at ng kanyang Cavaliers ang Miami Heat sa isang exhibition game sa Rio de Janiero, Brazil.
- Latest