^

PSN Palaro

Torres hindi nakaporma sa long jump

BRM - Pilipino Star Ngayon

INCHEON, Korea -- Na­uwi sa bangungot ang po­sibleng kahuli-hulihang Asian Games ni Marestella Tor­res nang nagtala siya ng tatlong sunod na foul attempts sa women’s long jump sa athletics event kagabi sa Incheon Asiad main stadium dito.

Umabot sa 12 long jum­pers ang sumali sa kompetisyon at bukod-tangi ang 33-anyos na dating Southeast Asian Games long jump queen ang hindi na­kapagtala ng anu­mang mar­ka.

Hindi dapat kasama si Torres sa delegasyon dahil hindi naabot ang 6.36m qua­lifying leap na itinakda ng POC-PSC Asian Games Task Force sa performance trial noong Agosto 9.

Pero naisingit pa si Torres sa delegasyon dahil na­nalo siya ng ginto sa 2014 Singapore Open sa kanyang 6.45m marka.

Si Torres ay nagbabalik matapos ang mahigit isang taon na pahinga at no­ong Enero ay isinilang ang kanilang unang anak ni shotput expert Eleazer Sunang.

Si Torres, ha­wak ang SEAG record na 6.71m no­ong 2011 edition, ay sinasa­nay para sa 2016 Olympic Games.

 

ASIAN GAMES

ASIAN GAMES TASK FORCE

ELEAZER SUNANG

INCHEON ASIAD

MARESTELLA TOR

OLYMPIC GAMES

SHY

SI TORRES

SINGAPORE OPEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with